Friday, October 12, 2012

Pamumuwesto (Filipino)

Sa Herusalem, maraming mga banal na pangyayaring naganap, ngunit wala na roon ang mga eksaktong lokasyon. Naniniwala ang mga taga-Bundok Banahaw na ang lahat ng ito ay nalipat sa Bundok Banahaw. Tinagurian nilang "Bagong Herusalem" ito. Ang mga nakatira doon ay mga "Rizalista". Naniniwala sila na si Rizal ay kapantay ni Hesus. Ito ang ilan sa mga pwesto:

Ang Iba't-Ibang mga Pwesto

Ilog
Ang Ilog na ito ay tinaguriang Ilog Jordan. Sinisimbolo nito ang kalinisan at pagiging dalisay ni Hesus.

Lagusan ng Herusalem
Ang Lagusan ng Herusalem ay sinasabing pasukan ng Bundok Banahaw. Nakikita sa larawan na mayroong napakaraming mga watawat ng iba't-ibang bansa na sinisimbolo ang pag-abot ng kabutihan ng Diyos sa lahat ng mga bansa. Kita rin sa larawan na mayroong dalawang espada sa taas nito. Sinisimbolo nito ang labanan ng KKK at ng mga Kastila noon. Habang ang nakaimprinta namang Kapayapaan sa isa ay ibig sabihin na ang mga "Rizalista" ay mga mapayapang tao at inaalala lamang nila ang nakaraan.

Aklat ng Buhay
Ang Aklat ng Buhay ay isang bato na mukhang libro na nasa may baba ng Bundok Banahaw. Inilagay ito roon upang magkaroon ng ligtas na pagpasok sa Kaharian ng Diyos, ang Bundok Banahaw.

Kweba ng Husgado

Sinasabi na ang Kweba ng Husgado ay naghuhusga sa bawat taong papasok sa loob nito. Mayroong paniniwala ang mga taga-Bundok Banahaw na kapag nakalabas ka nito ng walang sugat, pinatawad ka ng pitong (7) taon ng pagkakasala.

Krus
Ang Krus ay sinasabing pareho sa krus na binuhat ni Hesus paakyat ng Bundok Kalbaryo at kung saan din siya ipinako pagkatapos. Ito ang simbolo ng paghihirap ni Hesus.

Paghahambing ng Dalawang Paniniwala
Mayroong dalawang paniniwala sa mga pwesto ng Bundok Banahaw. Isa ay ang Kristiyanismo at ang isa ay ang "Rizalismo".

Tayo, bilang mga Kristiyano, ay naniniwala na ang mga pwesto ay hindi naman talagang banal, ngunit dapat ay respetuhin pa rin, upang huwag magalit ang mga taga-roon. Tinitingnan lamang natin ito bilang medyo espiritwal na paglalakbay na pwede sigurong gawin isa o dalawang beses. Maaaring paalalahanin nito sa atin ang ibang mga importanteng pangyayari at lokasyon mula sa Bibliya. Maaari natin itong gamitin bilang representasyon ng mga importanteng pangyayari at lokasyon mula sa Bibliya.

Sa kabilang dako naman, ang mga "Rizalista" ay naniniwalang talagang banal ang mga pwesto. Sa tingin nila, si Rizal ay si Hesus at ang ibang mga bayani ay ang kanyang mga apostol. Iniisip nilang ang lugar na ito ay talagang "Bagong Herusalem". Para sa kanila, ito ay isang napaka-seryosong espiritwal na paglalakbay na kailangang gawin ng madalas. Ang kanilang relihiyon ay nakapalibot sa mga pwestong ito, at syempre, kay Rizal.

Ang mga lugar at gawain sa Bundok Banahaw ay sinasabi ng mga taga-roon na banal at sagrado. Habang ang Simbahan ay nagsasabi na ito ay isang  minoryang relihiyon na mayroong pagkahawig sa Kristiyanismo.

No comments:

Post a Comment